Wednesday, March 02, 2005

SHARE: [POEM] "Erotika Sa Dalampasigan" by Enrico "John" Torralba

Erotika Sa Dalampasigan
by Enrico "John" Torralba

"Ing paro matudtod,
Dalan ne ning agos."

Humuhulas ang dilim sa langit
At kinukubkob ang dalampasigan.
Humuhupa naman ang galit
At tilamsik ng mga alon
Sa batuhan.
Sa buhanginan,
Kiming pumupulupot
Ang isang balanggot
Sa isang putol na kahoy
At kabibeng naghihintay.

-=0=-

Submitted to Pinoy Poets by Enrico "John" Torralba.

--andoy
2 March 2005

allvoices

No comments: