Wednesday, March 02, 2005

SHARE: [POEM] Sa Araw na Ito, by Gretchen Que

Sa Araw na Ito
Gretchen Que
Submitted to Pinoy Poets Feb. 1, 2005

Nais kong mabigyang-silay
ang mundo mong tago
ng mga labi mong tikom.

At

nais ko ring
marinig mo naman ang
aking pighati sa
pagbitaw mo ng mga
salitang lumiliyab

habang

gubad tayong hinahaplos
ng buwang mapaglinlang.

Pagpapasalamat ko, sa pagpapaunlak mo
ng mga nais ko sa
araw na ito.

-=0=-

Poem submitted by Gretchen Que to Pinoy Poets.

--andoy
2 March 2005

allvoices

No comments: