Wednesday, March 02, 2005

SHARE: [POEM] "Hindi Talaga" by Jennifer M. Trinidad

Hindi Talaga
Jennifer M. Trinidad
Feb. 23, 2005


Hindi ko kaya,
ang Makita kang malumbay,
labi ay walang ngiti,
tahimik, nag-iisa't
walang karamay.

Mas hindi ko kaya,
ang ika'y Makita,
na masayang iba ang kasama,
pagkat puso'y parang pinipiga.

Pinaka sa lahat, hindi ko kaya,
na ikaw ay makasama,
ngunit puso mo'y di naman akin
at katagang "Mahal Kita",
kailanma'y di mo sasambitin.

-=0=-

Submitted to Pinoy Poets by Jennifer Trinidad.

--andoy
2 March 2005

allvoices

No comments: