Wednesday, March 02, 2005

SHARE: [POEM] "Titig", By Gracia Perdiguerra

Titig
by Gracia Perdiguerra
2/19/05

Nakita ko ang sulyap
ang tingin
tingi – tinging lihim
kapagka tatalikod
upang di ko mapansin
mangingiti
batid ko rin, di nga ba't-

minsa'y tinapatan ko rin
ng ngiti ang umis
napansin mo bang di ko nilubayan
ang mga patago at kutiltil na
pagpapahayag
kung saan natunaw mo
ang aking kaloob-looban
mainit na hinagod
ang puso, nanghina
at unti-unting nagparaya-

ayokong lingunin ka
ayokong makita
ayokong makulong
ang aking kaluluwa
sa iyong mga mata
at igupo ako sa pangamba.

Baka.
Baka nga.
Ako'y napaibig na.

-=0=-

Submitted to Pinoy Poets by Gracis Perdiguerra.

--andoy
2 March 2005

allvoices

No comments: