Wednesday, March 02, 2005

SHARE: [POEM] "Narinig Ko ang Boses Mo Kanina" by Kramer

Narinig Ko ang Boses Mo Kanina
(isang buwan pagkatapos mong magpaalam)

by Kramer/Pinoy Poets


Kanina,
habang magkausap tayo,
naalala ko ang lahat
ng pinagdaanan natin
noong tayo pa.
Lahat dumapo sa isip ko-
kulitan, hirap,
pati mga away.

Pero,
halata sa tono ng pagsasalita mo
na malungkot ka rin.

Ang hindi mo lang alam-

kanina,
habang nagsasalita ka,
ako
umiiyak na
sa
kabilang linya.

-=0=-

Poem was submitted to Pinoy Poets.

--andoy
2 March 2005

allvoices

No comments: