Saturday, October 23, 2004

Manong sa Iyong Pamamama-alam

Manong, manong, paano na po
ang araw-araw na aming aagarin
ngayong nauna ka na
at humayo sa tawag ng dapit-hapon

Iwan ninyong pamana
angking talino
kariktang tugtog ng matigas na daliring matagal ng nakalimot ng tipa
mumunting bubung at kapirasong lupa
balitoc na sanlain
at kaisang punlang handog sa kaitaguyod ng lahi

Hay, siya,
humayo na po kayo
nang masaya
matiwasay at magaang ang kalooban
na ang nag-iisang punla
ay narurok sa lupa
mabato man
at sa kainitan man ng araw
ay maaanggian din ng langit
kahit ambon lang ay mababasa din
yayabong din
mabato man ang lupain

Manong, manong
sa inyo na po ang biyaya
ng pahinga dulot ng mga bituin
ng nag-aagaw dilim

Dalhin kayo ng simoy ng hangin
sa landas ng takipsilim

--andoy/2004/October/23

allvoices

No comments: