Monday, October 25, 2004

Spaghetti at Palitaw

Spaghetti at Palitaw

dalagang filipina
may bandannang tali sa leeg
nang hindi makita ang dibdib
nakatungo salubsob sa mesa
tutok sa tako
habang sasargo

hinto ang laro
ng mga binatang
nanonood naman
sa karatig mesa

mga kalarong babae
nagtatawanan sa bangko
nanonood nangangantiyaw
dibdib na naglulundagan
sa tali ng suot
blusang maigsi
litaw ang mayabang na pusod
at mababang pantalong
kita naman ay kuyukot

isang sargo
isang tira
buslo ang mga bola
isang sablay
sa palit ng manlalaro

saka tutuloy ang laro
ng karatig mesang
mga binata

--andoy

- = 0 = -

"Spaghetti" refers to spaghetti straps;
"Palitaw" refers to the sweet rice cakes with sesame seed and coconut; also refers to "palitaw na pusod" or peeking navel.

--andoy

allvoices

No comments: